
NAVOTAS CITY — Hindi nakaligtas sa bitag ng batas ang isang 23-anyos na tulak ng droga na kilalang high-value individual (HVI) matapos masakote sa loob mismo ng Navotas Public Cemetery sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya Huwebes ng gabi.
Kinilala ni Navotas Police Chief P/Col. Mario Cortes ang suspek na si alyas “Dey Dey”, residente ng Brgy. Tangos South, na matagal nang minamanmanan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) dahil sa pagbebenta umano ng ilegal na droga.
Dakong alas-10:47 ng gabi, matapos tanggapin ng suspek ang marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer, agad siyang inaresto sa mismong loob ng sementeryo sa Brgy. San Jose.
Nasamsam sa kanya ang tinatayang 53 gramo ng shabu na may halagang P364,480, isang tunay na P500 bill, at pitong pirasong P1,000 boodle money.
Ayon kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Josefino Ligan, nakipag-ugnayan din sa PDEA ang mga operatiba bago isinagawa ang operasyon.
Kasalukuyang nakapiit ang suspek at haharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ni hindi nakatakas, kahit libingan pa ang tagpuan — huli pa rin ang salarin!
More Stories
PBBM SA MGA BOTANTE: BUMOTO NG TAPAT AT MAY MALASAKIT
DOE NAKA-HIGH ALERT PARA SA HALALAN 2025 (Upang masiguro ang tuloy-tuloy na suplay ng kuryente
COMELEC: EU OBSERVERS PINAYAGANG PUMASOK SA PRESINTO, PERO BAWAL HABANG MAY BOTOHAN