NASA mahigit P.4 milyong peso halaga ng shabu ang nasabat sa isang ginang na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief P/Capt. Regie Pobadora ang suspek na si alyas “Tita”, 45, ng Quezon City.
Ani Capt. Pobadora, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y pagbebenta ng suspek ng illegal na droga sa lungsod kaya isinailalim nila ito sa validation.
Nang positibo ang report, ikinasa ng DDEU ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek dakong alas-9:47 ng umaga sa Galler Subdivision, Brgy., 141 ng lungsod matapos bintahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
Ayon kay Capt. Pobadora, nakumpiska nila sa suspek ang nasa 65 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P442,000 at buy bust money.
Kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Article II ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa ng pulisya sa suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office.
Pinuri naman ni Col. Ligan ang DDEU sa kanilang hindi natitinag na pangako sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.
“The prompt and effective execution of this operation exemplifies the resolute determination of our personnel in safeguarding the public from the detrimental effects of illicit drugs. We remain steadfast in our mission of protecting the community.” pahayag niya.
More Stories
MATINDING TRAPIKO ASAHAN NA SA MINDANAO AVENUE DAHIL SA SUBWAY CONSTRUCTION
MANIBELA NAGSAGAWA NG KILOS-PROTESTA
P3.3-M ALAHAS NILIMAS NG AKYAT-BAHAY SA QUEZON