
ARESTADO ang isang umano’y tulak ng illegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyong halaga ng shabu nang kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.
Ayon kay Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, isinagawa ng mga aperatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation nang magpositibo ang natanggap na ulat hinggil sa illegal drug activities ni alyas “Andy”, 61, residente ng lungsod.
Ang operation ay naganap sa Que Balag St., Brgy. Ugong kung saan naaresto ang suspek matapos umanong bentahan ng P8,500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer dakong alas-6:10 ng gabi.
Sinabi ni P/Capt. Joan Dorado na nanguna sa operation, nakumpiska nila sa suspek ang aabot 20 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P136,000, buy bust money na isang tunay na P500 at 8-pirasong P1,000 boodle money, coin purse, cellphone at P150 cash. Sinampahan nan g pulisya ang suspek ng kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.
More Stories
Tolentino: 60 kph speed limit mahigpit na ipatupad
IMEE MAY BUWELTA KAY CHIZ: SIYA ANG AMBISYOSO
MGA MATATAAS NA OPISYAL NG PNP SA BARMM, PINASISIBAK!