November 26, 2024

Tulak, laglag sa P204K shabu sa Valenzuela

ARESTADO ang isang hinihinalang tulak ng illegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyong halaga ng shabu nang kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang naarestong suspek na si alyas “Nelson”, 51, (SLI/pusher) at residente ng Caloocan City.

Ayon kay Col. Cayaban, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. Joan Dorado ang buy bust operation nang magawa ng isa niyang tauhan na makipagtransaksyon sa suspek ng droga.

Nang tanggapin umano ng suspek ang isang P500 bill na may kasamang pitong pirasong P1,000 boodle money kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba dakong alas-5:15 ng madaling araw sa Beside Liembest Lechon Manok, sa Gen. T De Leon Rd. Brgy. Gen. T De Leon,.

Ani P/Lt. Johnny Llave na nanguna sa operation, nakuha nila sa suspek ang anim pirasong plastic sachets na naglalaman ng nasa 30 grams ng hinihinalang shabu at nagkakahalaga ng P204,000, buy bust money at 200 recovered money.

Sinabi ni PMSg Ana Liza Antonio, kasong paglabag sa Sections 5 at 11 sa ilalim ng Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isinampa nila laban sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office