NASA mahigit P.2 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos maaresto ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Valenzuela City, Biyernes ng umaga.
Sa report ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, kinilala ang naarestong suspek na si alyas Gie, 57, ng lungsod.
Ayon kay Col. Cayaban, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. Joan Dorado hinggil sa umano’y pagbibenta ng suspek ng shabu.
Nang magawa nilang makipagtransaksyon sa suspek, ikinasa ng SDEU ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya dakong alas-6:15 ng umaga sa Liwayway St. Brgy. Marulas, matapos umanong bintahan ng P7,500 halaga ng shabu ang pulis na nagpanggap ba buyer.
Nakumpiska sa suspek ang apat plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P238,000, buy bust money na isang P500 bill at pitong P1,000 boodle money, P200 recovered money, cellphone at coin purse.
Kasong paglabag sa Sections 5 at 11 sa ilalim ng Art. II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isasampa ng pulisya laban sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.
More Stories
Matapos hiwalayan ng asawa… CHLOE SAN JOSE MAY BUWELTA KAY AI-AI: ‘BACK TO YOU, MAMANG’
NON-COMPLIANT ONLINE STORES IPA-‘PADLOCK’ NG BIR
PNP HANDANG TUMULONG SA POSIBLENG PAG-ARESTO NG INTERPOL KAY DIGONG