NASABAT ng pulisya sa isang tulak ng illegal na droga ang mahigit P.1 milyong halaga ng shabu matapos masakote sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City.
Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek na si si Ricky Ruiz, 50, ng B34 D L14 Phase 3 Dagat-Dagatan ng lungsod.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Lacuesta na nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa illegal drug activities ng suspek kaya isinailalim nila ito sa validation.
Nang positibo ang report, ikinasa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Cpt. Ronald Allan Soriano, kasama ang 3rd MFC RMFB NCRPO ang buy bust operation sa bahay ng suspek na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya matapos bentahan ng P10,500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
Nakumpiska kay Ruiz ang humigi’t kumulang 25 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P170,000, at buy bust money na isang tunay na P500 bill at 10-pirasong P1,000 boodle money.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
P761K droga, nasamsam sa Caloocan buy bust, 3 tiklo
Leader ng “Melor Robbery Gang” na wanted sa Valenzuela, timbog!
VP Sara tinatakasan P612.5-M confidential fund