NASABAT ng pulisya ang mahigit P.5 milyon halaga ng shabu sa isang tulak ng ilegal na droga na listed bilang high value individual (HVI) matapos matimbog sa buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek bilang si Tyrone Dimaano alyas “Bubu”, 27 ng No. 46 G, Barangay Balon Bato, Dimaano Compound, Quezon City.
Ayon kay Col. Lacuesta, dakong alas-3:20 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PMAJ Amor Cerillo ng buy bust operation na may coordination sa PDEA-RONCR sa Calle Kwatro, Brgy. 81, Caloocan City.
Isang undecover police ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek ng P8,500 halaga ng droga at nang tanggapin niya ang marked money mula sa police poseur buyer kapalit ng isang plastic sachet ng umano’y shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba.
Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 80 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P544,000.00; at buy bust money na isang P500 bill at walong pirasong P1,000 boodle money.
Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) DD PBGEN Ponce Rogelio Penones Jr ang Caloocan CPS sa kanilang matagumampay na drug operation habang mahaharap naman ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
38 LUGAR NASA RED CATEGORY – COMELEC
HUSTISYA PARA KAY PH ATHLETE MERVIN GUARTE!
4 patay sa pamamaril sa Batangas