
NASABAT ng pulisya ang nasa P340K halaga ng droga sa isang bagong identified drug suspect matapos matimbog sa ikinasang buy bust operation sa Caloocan City.
Batay sa report ni Northern Police District (NPD) Public Information Office (PIO) P/Capt. Marcelina Pino, isinagawa ng mga operatiba ng Caloocan City Police Station Drug Enforcement Unit (CCPS-DEU) ang buy bust operation, sa koordinasyon sa PDEA nang magpositibo ang natanggap nilang ulat hinggil sa umano’y pagbebenta ng shabu ng 34-anyos na si alyas “Pato”.
Dakong alas-4:59 ng madaling araw nang dambahin ng mga operatiba ng SDEU ang suspek sa Building 2, LRB, Brgy., 188, matapos umanong1 bintahan ng P6,500 halaga ng droga ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
Nasamsam sa suapek ang nasa 50 grams ng hinihinalang shabu na may estimated street value na P340,000 at buy-bust money na isang tunay P500 bill at anim pirasong P1,000 boodle money.
Sasampahan ng pulisya ng kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II of R.A 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
More Stories
P20/KILO NG BIGAS ALOK NG DA AT DOLE PARA SA MINIMUM WAGE EARNERS
“Walang Kinalaman si PBBM sa ‘Deal’ nina Sara at Imee para Kay Digong!
P1.7-B pondo para sa Teacher’s at Learner’s Kits ng MBHE iimbestigahan ng Palasyo, bago ang BARMM election?