KULONG ang isang tulak ng droga na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P4.2 milyong halaga ng shabu nang matiklo ng pulisya sa ikinasang buy bust operation habang na-rescue naman ang kasabwat nitong dalawang totoy sa Caloocan City, kahapon ng umaga.
Ayon kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, dakong alas-5:56 ng umaga nang madakip ng mga tauhan ni P/Capt. Regie Pobadora, hepe ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) si alyas “Khadapi”, 50, residente ng lungsod habang na-rescue naman ang dalawang kasabwat niyang totoy na edad 17 at 15, kapwa estudyante..
Nakumpiska sa suspek ang nasa 625 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P4,250,000.00 at buy bust money na isang tunay na P1,000 bill at 24 pirasong P1,000 boodle money.
Bago ang pagkakaaresto sa suspek, nakatanggap na ng impormasyon ang mga operatiba ng DDEU hinggil sa umano’y malakihang pagbebenta ng shabu ni alyas Khadapi kaya isinailalim nila ito sa validation.
Nang positibo ang report, pinangunahan ni Capt. Pobadora ang binuo niyang team at ikinasa ang buy bust operation, katuwang ang mga tauhan ng SS14 at Special Weapons and Tactics (SWAT) team ng Caloocan police na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek sa Domato St., Brgy. 188.
Sasampahan ng pulisya ang suspek ng kasong Sections 5 at 11 under Article II of RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa piskalya ng Caloocan City.
Pinuri naman ni Col. Ligan ang mga operatiba sa kanilang pinuri propesyonalismo, dedikasyon, at pambihirang pagganap sa naturang operasyon.
“This significant seizure is a direct result of our relentless efforts to dismantle illegal drug operations within our jurisdiction. The NPD remains steadfast in its commitment to implementing the NCRPO AAA Strategy – Able, Active, and Allied under the leadership of Acting Regional Director PBGEN Anthony Aberin,” pahayag ni niya.
More Stories
5M PINOY WORKERS NANGANGANIB MAWALAN NG TRABAHO DAHIL SA AI, CLIMATE CHANGE
P3.7-M cellphones at gadgets nilimas ng 6 na magnanakaw sa Bacoor, Cavite
POGO sinalakay sa Silang, Cavite; 23 Chinese at 6 Myanmar nationals arestado