UMAABOT sa mahigit P.1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng pulisya sa isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos kumagat sa ikinasang buy bust operation sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.
Sa ulat ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa umano’y pagbebenta ng ilegal na droga ni alyas Jr Kuba na residente ng lungsod.
Dahil dito, inatasan ni P/Capt. Genere Sanchez ang kanyang mga tauhan na isailalim ang suspek validation at nang makumpirma nila na positibo ang ulat ay ikinasa ng SDEU ang buy bust operation.
Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek at nang tanggapin niya ang marked money mula sa pulis poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba dakong alas-9:02 ng gabi sa Langaray St., Brgy. NBBS Dagat-dagatan.
Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 15.51 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P105,468 at buy bust money.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Bagong gym, binuksan sa Navotas
PAGPAPALIBAN SA BARMM ELECTIONS, PINAG-AARALAN NA – PBBM