BAGSAK sa kulungan ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng baril at P68K halaga ng shabu makaraang madakip sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Caloocan police P/Col. Pual Jady Doles na nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa pagputok umano ng pangalan ni alyas Ninong, 55, sa pagbebenta nito ng shabu.
Agad bumuo ng team si P/Lt. Restie Mables, hepe ng SDEU saka ikinasa ang buy bust operation kontra sa suspek kung saan isang operatiba na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek ng P6,500 halaga ng shabu.
Nang tanggapin ng suspek ang marked money mula sa pulis na nagpanggap poseur-buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba dakong alas-2:10 ng madaling araw sa kanto ng Sabalo at Bosconian Sts., Brgy., 12.
Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 10 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P68,000, buy bust money na isang P500 bill at 6-pirasong P1,000 boodle money, cellphone, belt bag at isang kalibre .45 pistol na may isang magazine na kargado ng limang bala.
Sasampahan ng pulisya ang suspek ng mga kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunation Regulation Act sa Caloocan City Prosecutor’s Office.
More Stories
LEO FRANCIS MARCOS, INATRAS KANDIDATURA
Galvez sa MILF: Magsagawa ng imbestigasyon… 4 PATAY KABILANG ANG 2 SUNDALO, 12 IBA PA SUGATAN SA PANANAMBANG SA BASILAN
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?