Lumubog ang isang tugboat habang naka angkla sa Port of San Juan sa lalawigan ng Batangas kaninang umaga.
Ayon sa pamunuan ng PPA Port Management Office (PMO) Batangas, ang nasabing tugboat na MTug Strong Bravery ay may lulan na 11 tripulante kabilang ang kapitan, na kasalukuyang namang naka ligtas sa nasabing insidente.
Nabatid na ang butas sa exhaust muffler at sira sa hull, ang naging sanhi upang pasukin ng tubig at tuluyan itong lumubog.
Samantala, patuloy naman kumikilos na ang mga awtoridad, upang masiguro na hindi kumalat ang langis na galing sa tugboat sa naturang lugar.
More Stories
DOF: RECTO NAKAKUHA NG STRONG AI INVESTMENT INTEREST SA WEF
COMELEC IPINAGPATULOY PAG-IMPRENTA SA MGA BALOTA (Matapos ang ilang ulit na pagkaantala)
MPD, MAGPAPATUPAD NG ‘ROAD CLOSURES’ PARA SA PAGDIRIWANG NG CHINESE NEW YEAR