
Maghahain ang Trade Union Congress of the Philippines ng wage hike petition sa wage board (RTWPB 10 office) sa Cagayan de Oro bukas dakong alas-9:00 ng umaga, sa 2nd floor ng Trinidad building, Corrales Ave., Cagayagan de Oro City, Misamis Oriental.
Matapos ang paghahain, magsasagawa ang TUCP ng press conference para ipaliwanag ang detalye ng naturang petisyon ganap na alas-10:00 ng umaga sa 3rd Flr. ALU-TUCP Northern Mindanao Regional office, ALU building, Kauswagan highway, Cagayan de Oro City.
Ang kasalukuyang minimum wage sa Region 10 ay P365 kada araw.
Sakop ng Region 10 ang Misamis Oriental, Misamis Occidental, Bukidnon, Lanao del Norte, and Camiguin including Cagayan de Oro City, Iligan, Malaybalay, Valencia, Gingoog, El Salvador, Ozamiz, Oroquieta at Tangub.
More Stories
Korte, Nagpasok ng ‘Not Guilty’ Plea para kay Teves sa Kasong Illegal Possession of Firearms
Bike Lane Barriers sa EDSA, Tahimik na Inalis — mga Cyclist, Nanganganib!
P102K SHABU NASAMSAM! KELOT KUMAGAT SA BUY-BUST SA VALENZUELA