November 3, 2024

TUBIG MAS MAINAM INUMIN SA UMAGA KEYSA SA KAPE – HEALTH EXPERTS

Muling nagbabala ang mga eksperto sa kalusugan sa pag-inom ng kape.

Ayon sa pag-aaral, mas mainam uminom ng tubig keysa sa kape, lalo na paggising sa umaga.

Inirekomenda rin ng mga eksperto ang pag-inom ng tubig ng isa sa hanggang dalawang baso ng tubig araw-araw lalo na kapag bagong gising sa umaga.

Paliwanag ng mga dalubhasa, ang isang tao ay maaring makaranas ng pagkatuyot sa gabi, kaya mahalagang uminom ng tubig sa umaga.

Ito ay sinasabing makatutulong para sa isang malusog na pagsisimula ng araw.

Mahusay din ito at makatutulong na gamot bilang maintenance. Nililinis din nito ang mga dumi sa loob ng ating katawan.