Pinaalalahan ng Department of Health ang publiko na hindi dapat na nadi-discriminate ang mga pasyente na nagtataglay ng sakit na tuberculosis o TB lalo na at kapag under treatment o sumasailalim na gamutan ang pasyente ay hindi na nakakahawa.
Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, nagagamot na ngayon ang sakit na TB, lalo at may mga makabagong teknolohiya upang paikliin ang panahon ng gamutan sa TB.
Binanggit ng Kalihim ang drug susceptible tuberculosis na dati ay 6 na buwan, ngayon ay 4 na lamang.
May bagong bakuna rin aniya laban sa TB na sumasailalim pa sa trial ngayon na kapag naging epektibo mas magiging madali ang gamutan.
May higit 20 mobile van ang DOH na mayroong xray machine ang umiikot sa iba’t ibang lugar sa bansa para mag-alok ng libreng x-ray service.
Samantala, sínabi ni Secretary Herbosa na dahil sa covid 19 pandemic naging triple ang pagtaas ng kaso ng TB sa bansa.
Nakakaalarma aniya dahil sa kasagsagan ng covid 19 pandemic ay nagtriple ang mga kaso ng TB sa bansa.
Sa data ng DOH, noong Disyembre 31 ng 2023 nakapagtala ng 612 libong bagong kaso ng TB sa bansa, 10,426 sa kanila pumanaw.
Sa bawat 100 libong populasyon, 549 aniya ang tinatamaan ng TB.
Babala ng kalihim, kapag pinabayaan ang TB maaari itong lumala at mauwi sa pagiging drug resistant. (GINA MAPE)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA