MAARING matalo si Donald Trump para sa 2020 presidential, ayon sa ulat ng Republican Party operative sa Fox News.
Nanggaling ang report sa news outlet kung saan nabanggit din ang bilang ng GOP insider na siyang concern sa muling pagtakbo ni Trump sa gitna ng paglagapak ng bilang ng boto nito.
Kasalukuyang naungusan ni Joe Biden, ang presumptive Democratic nominee, ng siyam na puntos ang incumbent, ayon sa tracker ng 2020 polls ng RealClearPolitics.
Nawala rin ang suporta kay Mr. Trump ng mga older white voter – na kilalang solidong sumusuporta sa Republican Party at ang grupo na naging dahilan sa naging tagumpay ng pangulo ng Estados Unidos noong 2016.
“It’s too early, but if the polls continue to worsen, you can see a scenario where he drops out,” sambit ng isang anonymous GOP operative sa Fox News.
Ayon kay Charles Gasparino, ang author ng Fox news report, sa serye ng tweets kung saan siya ay nakisali sa “major players” sa Republican party para makakuha ng istorya. Isa sa mga ito ay inilawaran ang damdamin ni Mr. Trump bilang “marupok” kaya’t ang tsansa niya na para sa kanyang ikalawang termino ay mukhang malabo.
Nabanggit pa ng isa sa GOP sources sa report ang posibleng pagbagsak ni Trump: “I’ve heard the talk but I doubt it’s true. My bet is, he drops if he believes there’s no way to win.”
Maraming beses na rin inupakan ni Trump ang mga nagpapalabas ng poll kung saan ipinapakita na malayo ang agwat nila ni Mr. Biden. Noong nakaraang buwan, nag-tweet siya na dapat sunugin ng Fox News ang kanilang Pollster. Hindi raw kailanman nagkaroon ng mabuting Fox Poll.”
Noong Lunes, sinabi niya sa kanyang tweet: Sorry to inform the Do Nothing Democrats, but I am getting VERY GOOD internal Polling Numbers. Just like 2016, the @nytimes Polls are Fake! The @FoxNews Polls are a JOKE! Do you think they will apologize to me & their subscribers AGAIN when I WIN? People want LAW, ORDER & SAFETY!”
Pero sa mga polls ng polling organization kung saan lumalabas na palaging nasa huli si Mr Trump. Sa partikular, marami ang hindi sang-ayon sa paghawak ng president sa coronavirus at ang nangyaring mass protest para ipapananawagan ang racial justice matapos ang nangyaring pagpatay ng mga pulis kay George Floyd.
Lumabas din nitong kamakailan lamang sa Washington Post-Ipsos poll na 36 porsiyento ng American adulst ay sang-ayon sa paghawak ni Trump sa protesta, habang 62 percent ang disapprove. Gayundin sa New York Times poll.
Pinabulaanan rin ng kampo ni Trump kaugnay sa mga ulat kung saan tinawag ang president na “granddaddy” ng mga fake news.
“Everyone knows that media polling has always been wrong about President Trump –¬ they undersample Republicans and don’t screen for likely voters –¬ in order to set false narratives,” sinabi ni Trump campaign spokesman Tim Murtaugh sa Fox News.
“It won’t work. There was similar fretting in 2016 and if it had been accurate, Hillary Clinton would be in the White House right now.”
AGILA NEWS TEAM
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA