November 3, 2024

Trump nagsampa ng kaso upang ipatigil ang bilangan… BIDEN NANGANGAMOY PANALO NA BILANG US PRESIDENT

Nagtatag ng “lawyers for Trump” group na pinamumuan ni Matthew Morgan, ang longtime adviser to Vice President Mike Pence at ngayon ay naging Trump campaign’s general counsel ang kampo ni US President Donald Trump.

Ito ay matapos magbanta ang Republican President na magpepetisyon siya na ipapatigil ang bilangan ng boto sa US presidential election dahil sa umano’y dayaan sa mail-in voting.

Kabilang sa grupo at nagsisilbing co-chairman si Texas Attorney General Ken Paxton at Arkansas Attorney General Leslie Rutledge.

Idenepensa naman ng Trump campaign manager na si Bill Stepien ang hakbang na pagpapatigil nila sa bilangan.

“President Trump’s campaign has not been provided with meaningful access to numerous counting locations to observe the opening of ballots and the counting process, as guaranteed by Michigan law,” ani Stepien. “We have filed suit today in the Michigan Court of Claims to halt counting until meaningful access has been granted. We also demand to review those ballots which were opened and counted while we did not have meaningful access.”

Kahapon ay tumungo rin ng Pennsylvania ang anak ng presidente na si Eric Trump at ang personal lawyer ng US President na si dating New York Mayor Rudy Giuliani upang igiit na panalo sila sa naturang estado.

Iginiit naman ni Pam Bondi ang Women for Trump National co-chair, may hawak silang video na kanilang ilalabas ukol daw sa pangha-harras sa kanilang mga watchers.

Una na ring sinabi ni Trump na siya ang nanalo sa halalan kahit na abanse si Democratic candidate Joe Biden sa electoral college votes, 264-214 sa unofficial tally.

Ipinagpipilitan pa rin ng Presidente na may dayaan sa eleksyon lalo na raw sa ilang estado na kontrolado ng democrats.

Nag-anunsiyo rin ang Trump campaign na gusto nilang magkaroon ng recount ng botohan sa Wisconsin habang nagsampa naman ng kaso sa Michigan, Pennsylvania at Georgia upang ipatigil ang bilangan.

Dati pang sinabi ni Trump, kahit walang ebidensya, na magkakaroon ng malawakang dayaan sa mail-in voting sa Estados Unidos bagay na pinabulaanan naman ng US election experts.

Samantala, kampante naman si Democrat Joe Biden na mananalo siya bilang bagong pangulo ng Amerika.

Sinabi nito na nangunguna na siya sa may maraming bilang ng electoral votes laban kay Donald Trump sa mga natitirang swing states.

Sa kaniyang speech, inihayag nito na malapit na niyang makuha ang 270 electoral votes. Aniya, hindi siya humarap sa kaniyang mga supporter para magdeklara na mananalo siya kundi humarap siya upang mag-ulat dahil naniniwala siya na sila ang magwawagi ng kaniyang mga supporter.