
Nagalit si President Donald Trump kay Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy dahil sa pagiging “walang respeto” nito sa isang pagpupulong sa Oval Office. Matapos nito, bigla niyang tinapos ang paglagda ng kasunduan sa Mineral deal sa pagitan ng US at Ukraine, na sa tingin ni Trump ay makakatulong sa Ukraine upang matapos na ang pakikipaggiyera nito sa Russia.
Ang pagbabago ng mga pangyayari ay maaaring magdulot ng kaguluhan sa Europa at sa buong mundo. Sa pagbisita ni Zelenskyy kay Trump, inaasahan na lalagda siya sa isang kasunduan na magbibigay ng mas malawak na access sa US sa mga rare earth minerals ng Ukraine, at magdaos ng joint news conference. Ngunit ang plano ay natigil matapos ang mainit na pagtatalo sa pagitan ng dalawang pinuno sa harap ng mga mamamahayag.
Walang pinatunguhan ang usapan matapos umalis si Zelensky sa White House. Samantala, sinabi ng White House na pinaalis nila ang delegasyon ng Ukraine.
Ang biglaang pagtatapos ng meeting ay nagsimula nang mag-usap sina Trump at Zelensky sa unang kalahating oras ng pagpupulong. Pero, nang magpahayag ng pag-aalala ang Ukrainian leader tungkol sa pagtitiwala sa anumang pangako ni Putin na itigil ang labanan, agad na sumabat si Vice President JD Vance at pinuna ang pagpapahayag ni Zelensky ng di pag-ayon kay Trump sa publiko. Ito ang nag-udyok sa mainitang argumento na nauwi sa pagbanat ng US president at vice president kay Zelensky bilang “ungrateful.”
“That was not a man that wanted to make peace,” saad ni Trump kay Zelenskyy, ilang oras matapos ang kanilang matinding pagpupulong sa Oval Office. Dagdag niya, “I want a ceasefire now.”
Hanggang sa oras ng report na ito, wala pang inilalabas na official statement si President Zelensky ng Ukraine tungkol sa insidente.
More Stories
CIDG HANDA NANG ARESTUHIN ANG MGA SUSPEK SA ‘MISSING SABUNGEROS’
Makalipas ang 11 taon… 5 SALARIN SA PAGDUKOT AT PAGPATAY SA KOREANA, HINATULAN NG HABAMBUHAY
CAMILLE VILLAR: MRT-7 completion to usher better business environment in North Caloocan; SJDM, Bulacan