Naniniwala si dating Senator Antonio Trillanes IV na makalalaya na ang Pilipinas sa “Duterte curse” sa 2022.
Sa isang Facebook post, sinabi ni Trillanes na natutunan niyang maging “optimist” nang makulong siya ng mahigit pitong taon dahil sa pagsasagawa ng Oakwood mutiny sa Makati City laban sa administrasyong Arroyo noong 2003.
“In political circles, some say I’m the optimist. In a way, yes, I am. For the whole seven years and five months that I was in jail, somehow, I always believed that one day, I would be free… as I firmly believe now that we will be free of the Duterte curse in 2022,” dagdag niya.
Matatandaan na inakusahan kamakailan lang ni Trillanes si Pangulong Duterte at ang kanyang long-time aide Senator Bong Go ng korapsyon na nagkakahalaga sa P6.6 bilyon ng mga kontrata noong panahon ng Pangulo bilang alkalde ng Davao City.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY