
NAVOTAS CITY — Tuluyang nasukol ang isang 57-anyos na tricycle driver na matagal nang wanted sa kasong child abuse matapos siyang maaresto sa ikinasang manhunt operation ng mga awtoridad sa Brgy. Sipac-Almacen, Navotas City.
Ayon kay P/Col. Mario Cortes, hepe ng Navotas Police, nakatanggap ng tip ang kanilang Warrant and Subpoena Section (WSS) kaugnay sa kinaroroonan ng suspek, na residente ng Sampaguita Street, Brgy. Tanza. Agad kumilos ang mga operatiba ng WSS kasama ang Police Sub-Station 1 at bandang alas-9:00 ng umaga, nahuli ang suspek sa M. Naval Street ng nasabing barangay.
May nakabinbing arrest warrant laban sa akusado na inilabas ng Navotas RTC Branch 9-FC noong Pebrero 11, 2025, dahil sa paglabag sa Section 10 (A) ng Republic Act 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act. May inirekomendang piyansa ang kaso na P80,000.
Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Custodial Facility Unit ng Navotas City Police Station habang hinihintay ang commitment order mula sa korte para mailipat siya sa Navotas City Jail.
Nanganganak na ang batas, bantay-sarado ang mga abusado.
More Stories
CHARO AT DINGDONG, MAY HALIKAN SA BAGONG ROMCOM?
MATAPOS ANG NETFLIX, IBA PANG APP TATAAS NA RIN ANG PRESYO DAHIL SA VAT
“3 Pinoy Seaman Nakakulong sa Algeria, Mga Asawa nagpasaklolo kay PBBM