Pinatawan ng Philippine Basketball Association (PBA) ng one-conference ban kay NorthPort guard John Amores matapos ang kinasangkutan nitong insidente ng pamamaril.
Sa madaling salita, hindi siya makapaglalaro sa paparating na PBA Commissioner’s Cup, na magsisimula sa Nobyembre 27.
Binaril umano ni Amores ang lalaking nakaaway niya sa isang basketball game sa Lumban, Laguna noong Setyembre 25.
Hinabol ni Amore sang biktima lulan ng motorsiklo na minamaneho ng kanyang kapatid.
Agad ding sumuko ang magkapatid at nagpiyansa.
“In coordination with the management of NorthPort, the commissioner (Willie Marcial) has decided that John Amores will be suspended for all his games in the next conference of the PBA’s 49th season without pay for conduct detrimental to the league,” ayon sa PBA sa isang statement. “Amores must without delay submit to counseling to address his anger and violent tendencies” before he can be cleared to return to action for the Philippine Cup scheduled to begin right after the February window of the FIBA Asia Cup Qualifiers,” dagdag pa nito. (RON TOLENTINO)
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA