Masayang inanunsyo ni Malabon Rep. Jaye Lacson-Noel na magbabalik operasyon na ang mga tricycle drivers sa lungsod ng Malabon at Navotas matapos pagbawalan noon dahil sa COVID-19 pandemic.
Aniya, ito’y matapos pirmahan ang memorandum of agreement (MOA) sa pagitan nina Navotas Mayor Toby Tiangco at Malabon Mayor Lenlen Oreta na nagpapahintulot sa balik-operasyon ng mga tricycle drivers.
“Para sa ating mga commuters at tricycle drivers mula sa lungsod ng Malabon at Navotas, good news po dahil pirmado na ang MOA sa pagitan ng dalawang lungsod kung saan pinahihintulutan na ang balik-operasyon at pamamasada ng mga tricycle drivers,” ani Congresswoman Lacson-Noel.
Ayon sa kongresista, sadyang naapektuhan ang napakaraming tricycle drivers at commuters na rin mula sa dalawang magkapitbahay na lungsod nang ipagbawal ang pamamasada ng mga ito sa gitna ng Covid-19 pandemic.
Bukod sa mas mapapadali ang pagku-commute ng mga manggagawa mula sa Malabon at Navotas, magbabalik na rin ang kabuhayan ng ating mga tricyle drivers, ayon pa kay Congw. Jaye na hindi rin tumigil ka-partner ang alkalde ng lungsod at ang kanyang lifetime-mate at m’yembro rin ng Kongreso, si An-Waray Party-list Rep. Bem Noel, sa pagbibigay ng ayuda at trabaho sa mga maralitang taga-lungsod.
“Thank you sa ama ng ating lungsod Lenlen Oreta at ama ng Navotas Toby Tiangco! Patunay ito na kasunod ng ating pagkakaisa ay kaginhawaan para sa ating mga nasasakupan!” ani Congw. Jaye. Sinabi pa niya na sa ilalim ng MOA, mahalagang may permit at sticker ng magkabilang lungsod ang mga pampasadang tricycle units upang maayos silang maka-byahe.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA