Opisiyal nang binuksan ang bagong gawang gusali kung saan matatagpuan ang Taytay Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology at Taytay Police Station isang Tri-bureau facility na matatagpuan sa tapat ng St. John the Baptist Parochial Parish.
Dinaluhan ito nila Rev. Fr. Pedro Noel L. Rabonza III ,Vice Governor Reynaldo San Juan Jr., Mayor Joric Gacula, Rizal Provincial Director PCOL Dominic L Baccay – RIZAL PPO, Vice Mayor Mitch Bermundo at 11th Sagguniang Bayan ng Taytay.
Pinasalamatan ng mga kapulisan ang ating Provincial Governor Rebecca “Nini” Ynares, Mayor Joric Gacula, Vice-mayor Mitch Bermundo at 11th Sangguniang Bayan sa pagpapatayo ng bagong tri-bureau facility sa ating bayan na naglalayung ilapit ang bawat ahensa sa ating mamamayang Taytayenong nangagailangan ng agaran nitong tulong.
Ayon kay Provincial Director PCOL Dominic Baccay – “Yung mga kababayan natin dito sa Taytay ay hindi na mahihirapan kung pupunta sa BFP, BJMP at Taytay PNP. Ito ay nagpapakita ng buong pwersang suporta mula sa Pamahalaang Lalawigan ng Rizal at ng Pamahalaang Bayan ng Taytay sa ating mga kapulisan kaya naman tayo ay lubos na nag papasalamat kay Gobernadora Rebecca “Nini” A. Ynares na kinatawan ngayon ng ating Bise-Gobernador Reynaldo San Juan Jr. Ganun din ang lubos nating pasasalamat sa ating Punong Bayan Joric Gacula na mismong humiling sa ating Pamahalaang Lalawigan ng bagong istraktura ito kaya naman ito ay aming susuklian ng tapat at tunay na pagliingkod, pagbubutihin pa lalo ang serbisyo ng kapulisan sa larangan ng kapayapaan at kaayusan ng ating bayan. It encompasses everything, truly this is a mark that the tri-bureau is here.”
Dagdag pa niya na magpapadala pa ang Provincial Police Office ng karagdagang bilang ng mga pulis sa ating bayan upang tutukan kaligtasan ng ating bayan. (TAYTAY PIO)
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
BUCOR AT PAO MAGTUTULUNGAN PARA SA INMATE WELFARE PROGRAM
PILIPINAS KATAWA-TAWA NA NGA BA SA MUNDO?