
PATAY ang 30 katao habang 100 ang sugatan matapos madiskaril ang isang tren sa timog na bahagi ng bansang Pakistan kahapon, Agosto 6.
May sakay na 950 pasahero ang nadiskaril na Hazara Express train na tutungo sana sa Havelian mula sa Karachi.
Agad isinugod sa ospital ang mga sugatang pasahero at mabilis namang rumesponde ang rescue team sa nangyaring aksidente.
Makikita sa video na kumakalat sa social media na nagpupumilit na makalabas ang dose-dosenang katao sa nadiskaril na tren.
More Stories
INILABAS NA TRAVEL ADVISORY NG CHINA VS ‘PINAS WALANG BASEHAN – PCG
ACIDRE KAY ROQUE: IMBES UMAPELA SA QATAR, TULUNGAN MGA NAARESTONG OFW
KRIS AQUINO INIINDA SAKIT NA LUPUS FLARE