PINALAWIG ng gobyerno ang travel ban patungong Western Visayas para sa mga residente na magmumula sa NCR plus areas, Cebu at Davao, na ang ilan ay nastranded sa Maynila.
Magsisimula ang travel van papuntang Western Visayas mula Abril 10 hanggang Abril 19.
Isa sa mga naipit na pasahero ay si Thelma Villanueva na hindi napigilang tumulo ang luha matapos nitong malaman na hindi niya muling makakasama ang kanyang pamilya sa Bacolod.
Nanggaling pa si Villanueva mula sa Pampanga patungo sa Manila North Harbor nang malaman niya na hindi na siya papayagang makabiyahe.
“Wala na akong pera, kahit pamasahe lang,” malungkot na pahayag ni Villanueva.
Sa kabuting palad, may isang mabuting puso ang nagbigay ng pagkain kay Villanueva habang siya ay stranded sa Maynila.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA