PASAY— Umaasa ang Bureau of Immigration (BI) na dadami ang bilang ng mga biyahero sa Pilipinas matapos luwagan ang travel restrictions.
Inalis na kasi ng gobyerno ng Pilipinas ang negative RT-PCR requirement para sa mga pasaherong nakatanggap na ng buong primary series ng COVID-19 vaccine at isang booster shot.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, mahihikayat nito ang mga biyahero na bumisita sa bansa.
Maliban sa negative RT-PCR requirement, inalis na rin ang travel insurance requirement sa mga parating na pasahero.
Kahit hindi na itinuturing na requirement, nananatili ang rekomendasyon ng health authorities na gawin ito.
Sa nasabing hakbang, sinabi ni Morente na mas mapapadali ang pagbiyahe sa gitna ng tinatawag na ‘new normal’.
Aniya, “We hope that this will boost the number of international arrivals in the next few months.”
Noong nagdaang summer season, nakapagtala ng ahensya ng mahigit 15,000 total arrivals kada araw.
“The arrivals have steadily increased since February, but has plateaued at the tail end of summer,” ani Morente.
Nauna nang inabiso ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) na simula sa Mayo 30, exempted na sa negative RT-PCR test requirement ang mga dayuhang fully vaccinated at mayroong booster shot laban sa nakahahawang sakit.
Exempted na rin sa mga nasabing requirement ang mga fully vaccinated na may edad 12 hanggang 17, at ang mga batang 12-anyos pababa, anuman ang of vaccination status. “We are hoping that little by little, the country’s international tourism sector can once again flourish as we move towards the new normal,” saad ni Morente.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA