Isinusulong ni Go Negosyo Founder Joey Concepcion na payagan ang mas maraming empleyado na magbalik-trabaho on-site sa halip na work-from-home.
Ayon kay Concepcion, mapapasigla sa ekenomiya ng bansa ang on-site work kumpara ito noon kung saan walang mobility dahil nakakakulong lang sa bahay ang mga tao.
Sinabi pa ng opisyal na tutulong din ito upang mapasigla ang teamwork dahil magkakaroon ng regular na face-to-face dialogue ang mga empleyado.
Kaugnay naman sa sitwasyon sa trapiko, sinabi ni Concepcion na hindi ito maiiwasan.
Iginiit nito na ang trapiko ay “good news” sa isang lugar na may commercial activity, nangangahulugan aniya ito ng paggalaw ng ekonomiya dahil senyales ito na ang mga tao ay nagta-trabaho, gumagastos, kumakain, at nagsha-shopping.
Gayunman, sinabi pa ni Concepcion na may ginagawa ang gobyerno upang maibsan ang trapiko gaya ng inilagay na Edsa BusLane.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI