November 23, 2024

Training ng mga tsismoso’t tsismosa bilang contact tracer, sinimulan na

SINIMULAN na ng Cebu City Police Office (CCPO) ang training sa mga barangay volunteers na kasama sa kampanya sa paggamit sa mga tinaguriang ‘tsismoso’ at ‘tsismosa’ na tutulong sa contact tracing.

Ayon kay CCPO Director PCol. Josefino Ligan, ang mga tsismoso at tsismosa ang magsasagawa ng interview sa kani-kanilang mga barangay at pagtiyak kung mayroon ngang pasyente ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) na nakatira sa kanilang lugar na nasasakupan.

Aniya, sila na rin ang maghahanap ng mga posibleng nahawaan ng COVID-19 bago rumesponde ang mga pulis at city health para sa interview at swab testing.

Samantala, matatandaan namang iginiit ng Commission on Human Rights na mas mainam na health experts ang magsagawa ng contact tracing.