
MARIKINA CITY — Tatlo ang kumpirmadong patay habang sampu ang sugatan matapos ang matinding karambola ng anim na sasakyan sa Brgy. Fortune, Marikina, nitong Miyerkules ng gabi, Abril 23.
Ayon sa ulat, bandang alas-10:00 ng gabi nang mawalan ng kontrol ang isang 40-footer trailer truck habang paakyat sa matarik na bahagi ng kalsada sa Fortune Avenue.
Hindi kinaya ng truck ang paakyat na daan at umatras nang buong bilis. Sa lakas ng impact, tumagilid ang trak at bumagsak sa mga sasakyan sa likod nito, kabilang ang dalawang pampasaherong
“Parang hindi na kinaya ng truck. Atras nang atras hanggang sa bumaliktad ito at nagkandadurog ang mga sasakyan sa likod.”
Dalawa sa mga biktima ang agad na nakuha sa pinangyarihan. Makalipas ang anim na oras ng masusing rescue ops, natagpuan din ang bangkay ng jeepney driver na naipit sa ilalim ng trailer.
Ayon sa Marikina BFP, nahirapan ang rescuers sa pagkuha sa mga naipit dahil sa bigat at pagkakaposisyon ng truck.
Dinala sa iba’t ibang ospital ang sampung sugatan na karamihan ay nagtamo ng fractures, head trauma at lacerations.
“Parang gumuho ang langit, sunod-sunod ang sigawan at pagbangga. Parang domino ang bagsakan ng mga sasakyan,” ayon sa isang saksi.
Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang insidente at naka-detain na ang driver ng trailer truck para sa posibleng kasong reckless imprudence resulting in homicide, multiple physical injuries, at damage to property.
More Stories
ISKO, SV, IBA PANG KANDIDATO, PINAGPAPALIWANAG NG COMELEC SA UMANO’Y VOTE BUYING
DZRH Reporter sa Baguio, Binantaan umano ng Mayor ng Abra
Lalaki sa Antipolo binaril sa ulo, tigok