November 5, 2024

TRAHEDYA SA SEMANA SANTA; 29 NALUNOD

Umabot na sa 29 katao ang namatay matapos malunod sa kasagsagan ng summer vacation, kabilang ang nagdaang Semana Santa, ayon sa tala ng mga awtoridad. Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, umabot sa 56 ang Holy Week-related incidents ang naitala sa ngayon at 34 34 dito ay dahil sa pagkalunod ng mag-isa.

Sinabi niya na ang PNP ay nagsimulang makatanggap ng mga ulat ng insidente ng pagkalunod noong Miyerkules, Marso 27, nang ang mga tao ay nagsimulang pumunta sa mga probinsya para sa long weekend. Karamihan sa mga insidente ng pagkalunod ay nangyari sa mga beach, pribadong resort, at ilog.

May dalawa tayong insidente na near-drowning. Buti na lang ay may mga pulis tayong nandoon kaya naisalba natin ‘yung ibang mga biktima. ‘Yung ibang mga private resort ay, unfortunately, talagang nalunod ang mga biktima,” ayon kay Fajardo.

Pinakamaraming naitalang insindente ay sa Calabarzon na may10. Sinundan ito ng Ilocos Region at Cagayan Valley na may tig-anim at Bicol Region na may lima.

Ayon pa kay Fajardo, 12 sa mga namatay ay menor de edad.Sinabi ni Fajardo na kabilang ang mga tauhan ng PNP sa kasalukuyang nakikiisa sa search and rescue operation sa tatlong napaulat na nawawala—isa sa Rosales, Pangasinan; isa sa Jones, Isabela; at isa pa sa Tumauini, Isabela.

Mataas ang kaso ng pagkalunod ngayong Holy Week break kung saan sinasamantala ng libu-libong tao ang mahabang bakasyon para pumunta sa iba’t ibang beach at resort.

Matatandaan na noong Holy Week break noong nakaraang taon, nakapagtala ang PNP ng 63 kaso ng mga insidente ng pagkalunod.