NAKABALIK na sa Pilipinas ang isang babaeng biktima ng human trafficking noong Nobyembre 15 sa Zamboanga International Seaport matapos puwersahang illegal na pinagtatrabaho, na walang kaukulang dokumento bilang entertainer sa club sa Malaysia.
Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Joel Anthony Viado, kinilala ang biktima na si ‘Sarah’, 24, lumipad noong Pebrero 2024 patungo sa Singapore, na nagpanggap bilang isang kasambahay ng isang pamilya na nagdala sa kanya.
Gayumpaman, umamin si ‘Sarah’ na ni-recruit siya ng isa pang Filipina bilang waitress sa Malaysia at sinabihan na magpanggap na domestic employee upang makalusot sa inspeksyon.
Ang recruiters ng biktima ay pinagbayad ng P20,000 para sa travel expenses, na itinurong na utang sa kanyang dayuhang employer.
Matapos lumapag sa Singapore, nagbiyahe ito sa Malaysia, kung saan sinundo siya at dinala sa isang dormitoryo.
Sapilitan siyang pinagtrabaho bilang isang nightclub performer upang may pambayad sa kanyang utang.
Ngunit noong hindi siya nakabayad sa kanyang employer, isinumbong siya sa mga awtoridad sa Malaysia kung saan siya inaresto dahil sa kawalan ng mga dokumento.
“This case highlights the exploitative and unjust practices of recruiters and syndicates who profit from human trafficking, leaving victims struggling to return home and facing numerous hardships due to false promises,” ayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado.
Ang biktima ay pagkakalooban ng tulong mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagbalik niya ng Pilipinas. ARSENIO TAN
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON