BAGSAK sa kulungan ang isang traffic enforcer na wanted sa kasong panggagahasa matapos maaresto sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Malabon City.
Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong akusado bilang si Arvin Fuentes 31, at residente ng 109-23 Cobre St., Brgy. Tugatog.
Ayon kay Col. Barot, dakong ala-1:45 ng hapon nang maaresto ang akusado ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Major Patrick Alvarado at 4th MFC RMFB-NCRPO sa joint manhunt operation sa Cobre St., Brgy. Tugatog.
Si Fuentes na listed bilang top most wanted sa lungsod ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong September 28, 2021 ni Judge Anna Michella Cruz Atanacio-Veluz ng Regional Trial Court (RTC) Branch 189, Malabon City para sa kasong Rape.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA