PAPAYAGAN ng makabiyahe ang public utility jeepneys (PUJs) sa 12 lugar sa bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic, ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque Jr.
Isinagawa ni Roque ang anunsiyo sa parehong araw na pinayagan ang 980 unit ng UV Express na makapamasada sa National Capital Region sa unang pagkakataon magmula nang ipatupad ang lockdown noong Marso upang maiwasan ang hawaan ng COVID-19.
Narito ang mga lugar kung saan pinapayagan na muling makapamasada ang mga jeep:
- Bulacan
- Pampanga
- Cagayan de Oro
- South Cotabato
- Siquijor
- Region 1 (Ilocos Region)
- Region 6 (Western Visayas)
- Region 8 (Eastern Visayas)
- Region 10 (Northern Mindanao)
- Region 11 (Davao Region)
- Region 12 (Soccsksargen)
- Region 13 (Caraga)
Hindi pa rin kasama sa listahan na ‘yan ang National Capital Capital Region (NCR) at iba pang rehiyon sa Pilipinas.
Habang hindi pa pinapayagan ang mga PUJs sa NCR, naglunsad ang ang gobyerno ng tatlong additional na mini-loop bus rides sa kahabaan ng EDSA upang tulungan ang mga pasahero na walang masakyan.
Narito ang mga mini-loop routes:
- Monumento, Caloocan City patungong Quezon Avenue sa Quezon City
- PITX sa Pasay patungong Ayala sa Makati
- Timog sa Quezon City patungong Santolan sa San Juan City
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA