IDINEKLARA ng Malacañang ang suspensiyon sa trabaho sa gobyerno at pasok sa mga paaralan sa Oktubre 14 hanggang 15 sa mga lungsod ng Maynila at Pasay para sa Asia Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction (APMCDRR) na idaraos sa Pilipinas.
Ayon sa Presidential Communication Office, suspendido ang klase sa mga paaralan sa lahat ng antas.
Ipinapaubaya naman sa mga pribadong kompanya at opisina ang desisyon kung magsususpinde rin ng pasok sa trabaho ang kanilang mga manggagawa.
“In view of the numerous participants expected to travel to and within the cities of Manila and Pasay on 14 and 15 October 2024 for the opening of APMCDRR in PICC, and to allow for the organized conduct of the APMCDRR, work in government offices and classes at all levels in the cities og Manila and Pasay shall be suspended on 14 and 15 October 2024,” nakasaad sa Memorandum Circular No. 66 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin.
Samantala, inihayag din ng Malacañang na tuloy naman ang operasyon sa naturang dalawang araw na nabanggit ang mga tanggapan ng gobyerno na ang tangkulin ay nagkakaloob ng basic and health services, disaster preparedness, at iba pang mahahalagang serbisyo
May tema ang naturang pagtitipon na “Surge to 2030: Enhancing Ambition in Asia-Pacific to Accelerate Disaster Risk Reduction,” na gaganapin sa Philippine International Convention Center.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA