Emosyunal si Minnesota Timberwolves star Karl-Anthony Towns sa laro sa NBA 2020-21 pre-season game.
Habang ipinakikilala ang players at coaches sa empty arena, nakuhang umupo ni Towns. Inalo siya ng kanyang mga teammates habang pinapahiran ang luha.
Tila nakaapekto ang trahedya sa laro niya kontra Memphis Grizzlies, 107-105. Nagtala si Towns ng 13 points at 8 boards sa loob ng 22 minutong paglalaro.
Nag-ambag naman ng 14 points si D’ Angelo Russell.
Nagluluksa si Towns sa pagpanaw ng kanyang 7 kamag-anak dahil sa COVID-19. Kabilang na rito ang kanyang butihing ina.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT