December 28, 2024

Touchy raw ang BF ‘pag nalalasing? BARBIE FORTEZA DEDMA SA REBELASYON NI AVA MENDEZ

KALAT na ang isyu nina Jak Roberto at Ava Mendez, lately kasi ay nagpasabog ng isyu itong si Ava. Ang rebelasyon niya ay touchy raw si Jak kapag ito’y nalalasing. At naglabas pa ito ng larawan na nag-iinuman sila ni Jak, at nagsalita si Ava tungkol sa nangyari sa kanila.

“Pero nang makarating iyon kay Barbie Forteza, dinedma lang ito ng actress. Obyus naman na gusto lang guluhin ni Ava, ang magandang relasyon nila ni Jake.

“Mas binigyan pa ni Barbie ng pokus ang bagong bahay na lilipatan nila, hindi na lang niya pinansin iyong mga isyung pinupukol sa kanyang boyfriend,” kwento pa ng aking source.