April 11, 2025

TOTOY SINAKAL, KINAGAT SA ARI NG KA-LIVE IN NG INA, PATAY

Patay ang isang 4-anyos na lalaki matapos bugbugin at kagatin sa ari ng kinakasama ng kanyang ina, sa Dasmariñas, Cavite.

Ayon sa pulisya, nakitaan ng mga pasa, latay at mga kagat sa ari ang katawan ng biktima.

Kuwento ng tiyuhin ng biktima, nag inuman ang suspek—isang babaeng kinakasama ng in ang bata—at ilan nilang kaanak noong Huwebes.

Pagkatapos raw nito, nakarinig siya ng ingay sa kuwarto ng suspek at ng ina ng biktima. Nakita niyang sinasaktan ng suspek ang kanyang pamangkin. 

“Binato ng tsinelas. Natumba yung bata, tapos pagtayo ng bata, hinampas ng tatlong beses,” aniya.

Tumigil lang ang pananakit sa bata ng mapansin ng suspek na nakita ito ng tiyuhin.

Kinabukasan, patay na ang bata, at mismo ang suspek pa ang nagsabi nito.

Ani ng lola ng biktima, nakita sa autopsy na sinakal ang bata, at kinagat sa maselan na bahagi ng katawan.

Naging saksi rin daw ang anim na taong gulang na kapatid ng biktima sa pananakit sa bata. Inaresto na ang suspek, at kahapon nakauwi na ang ina ng biktima mula sa abroad.