Muling nilapa ng Toronto Raptors ang Brooklyn Nets, 104-99 sa kanilang match-up sa first-round 2020 NBA playoffs.
Kapwa bumuslo ng tig-24 puntos sina Fred VanVleet at Norman Powell para sa Raptors.
“We’ve been here before,” saad ni Fred VanVleet, na nagtala ng double-double.
“You’ve just got to stick with it, weather the storm.”
Samantala, nanguna si Garrette Temple sa pagbuslo ng 21 points, 3 boards at 3 steals sa Nets.Nagtala naman ng 14 points at 15 rebounds si Joe Harris.
Lamang ang Nets sa pagtatapos ng unang half tangan ang 3 points, 53-50. Nagdagdagan pa ito ng 14 points sa 3rd quarter.
Nagawang humabol ng Raptors at sila naman ang lumamang.
Mula rito, humabol naman ang Nets at ibinaba ang lamang sa 3 points, 102-99 sa 8.5 seconds ng laro.
Gayunman, nabulilyaso ang pasa ni Joe Harris ni Raptors guard Kyle Lowry. Nakuha naman ni Powell ang bola at inirekta sa dunk.
Narito ang buong stats ng Raptors-Nets game
BKN:Garrett Temple: 21 Pts. 3 Rebs. 3 Asts. 1 Stls. Caris LeVert: 16 Pts. 6 Rebs. 11 Asts. 1 Blks. Timothe Luwawu-Cabarrot: 17 Pts. 2 Rebs. 2 Stls. Jarrett Allen: 14 Pts. 15 Rebs. 5 Asts. 3 Blks. Joe Harris: 14 Pts. 15 Rebs.
TOR:Fred VanVleet: 24 Pts. 5 Rebs. 10 Asts. 1 Blks. Norman Powell: 24 Pts. 6 Rebs. 2 Asts. 1 Stls. Kyle Lowry: 21 Pts. 9 Rebs. 3 Asts. 2 Stls. 1 Blks. Pascal Siakam: 19 Pts. 6 Rebs. 3 Asts. 1 Blks.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo