December 24, 2024

TOPACIO TINAWAG NA ‘K-PAPANGIT’ MGA MIYEMBRO NG GABRIELA

Tinawag ni Kingdom of Jesus Christ councel Ferdie Topacio na mga original na K-Pop group at ipinaliwanag na ang ibig sabihin nito ay “K-Papangit ng mga miyembro”.

Ayon kay Topacio, dapat din silang mag-aral ng batas bago magkomento.

“Iyan ang original na KPOP group, K-papangit ng mga miyembro niyan eh sa Gabriela. Bukod doon ay hindi po nagbabasa ng batas bago magsalita,” ayon sa abogado.

Matatandaan na nanawagan si Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas sa Department of Justice (DOJ) na maglabas ng hold departure order laban kay Kingdom of Jesus Christ founder at pastor Apollo Carreon Quiboloy, na wanted ng US Federal Bureau of Investigation dahl sa labor trafficking charges na kinakaharap nito.

Umaapela ang kongresista sa DOJ na gawin ang lahat ng mga nararapat na hakbang para maabot ng mga nabiktima umano ni Quiboloy ang inaasam na hustisya ng mga ito kahit pa salungat ito sa ninanais ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Patutsada ni Brosas na malaking hamon sa Duterte regime na huwag kanlungin si Quiboloy, na aniya’y “wanted sex trafficker.

Ayon kay Brosas, “playing the victim” daw sa ngayon si Quiboloy, at mas mainam kung sumuko na lamang ito sa mga awtoridad.

Pero paliwanag ni Topacio, na kapag wala kang kaso sa local courts, hindi ka puwedeng isyuhan ng hold departure order. “Bago dumaldal, magbasa muna,” payo ni Topacio sa Gabriela.