
SWAK sa kulungan ang isang lalaki na nakatala bilang Top 9 Most Wanted Person sa Northern Police District (NPD) matapos matiklo ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.
Sa ulat, ikinasa ng mga tauhan ni Malabon police Chief P/Col. Jay Baybayan ang pagtugis kay alyas “Eric”, 32, ng Brgy. Tinajeros na nakatala din bilang Top 9 MTW sa lungsod.
Bandang alas–4:50 ng hapon nang makorner ng pinagsamang mga tauhan ng MCPS Warrant and Subpoena Section, at Station Intelligence Section (SIS) ang kusado sa Dela Cruz Street, Barangay Tinajeros.
Dinakip ng pulisya ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Pairing Judge Rhoda Magdalene L. Mapile-Osinada, ng RTC Branch 170, Malabon City para sa mga paglabag sa Section 11 ng R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), Comprehensive Law on Firearms and Ammunition (RA 10591), at COMELEC Resolution No. 10728 in relation to Section 261 of B.P. 881, Omnibus Election Code.
Ayon kay Col. Baybayan, may kabuuang P356,000.00 ang inirekomendang piyansa ng korte para sa pansamantalang paglaya ng akusado na nakapiit ngayon sa Custodial Facility ng Malabon police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman.
Pinapurihan ni P/Col. Josefino Ligan, Acting District Director ng NPD ang Malabon police sa kanilang hindi natitinag na dedikasyon sa pagpapatupad ng batas.
More Stories
VP SARA DUDA SA TIMING NG P20/KILO NG BIGAS ROLLOUT: PANAHON NG ELEKSYON? MEDYO KAHINA-HINALA
PBBM bumuo ng 3-man panel para tiyakin ang tuloy-tuloy na pamahalaan habang nasa abroad
Huwag gamitin ang mukha ng katutubo para sa pansariling interes