December 24, 2024

TOP 8 MOST WANTED PERSON NG VALENZUELA, ISINELDA

SWAK sa kulungan ang 35-anyos na binata na listed bilang top 8 most wanted ng Valenzuela City matapos malambat ng pulisya sa Simultaneous Enhanced Managing Police Operation (SEMPO) sa naturang lungsod.

Pinuri ni Northern Police District (NPD) Director PBGEN Ulysses Cruz ang Valenzuela police sa ilalim ng pamumuno ni PLTCOL Aldrin Thompson dahil sa matagumpay na pagkakaaresto kay Jonathan Regacho, 35 ng No. 1 Sitio Libis, Gen. T. De Leon, Valenzuela City.

Ayon kay Thompson, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela police na nakita ang akusado sa kanilang lugar kaya bumuo sila ng team para sa isasagawang operation.

Kasama ang Sub-Station 2 at 5th MFC, RMFB, NCRPO, kaagad nagsagawa ng joing manhunt operation ang WSS sa pangunguna ni PLt. Joel Madregalejo, PSSg Archie Castillano, PSSg Raul Quimbo, PSSg Erwin Castro, PSSg Jonathan Garcia, PSSg Junrey Singgit, PCpl Jeffrey Natural Jr., PCpl Julius Ceazar Tabarrejo na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong ala-1:40 ng hapon sa Sitio Libis, Gen.T.De Leon, Valenzuela City. Ani PCpl Julius Ceazar Tabarrejo, inaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Orven Kuan Ontalan ng Regional Trial Court (RTC) Branch 285, Valenzuela City para sa kasong Frustrated Murder.