ARESTADO ng mga operatiba ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Northern Police District (NPD) ang isang lalaki na listed bilang top 7 regional most wanted ng PRO8 at miyembro din ng “Legaspi Criminal Group” sa Caloocan City, kahapon ng umaga.
Kinilala ni DSOU chief P/Col. Erosito Miranda ang naarestong akusado bilang si Lino Lumayno Jr, 58 ng House no. 21, Lourdes St., Maypajo, Brgy 24, Caloocan City.
Ayon kay Col. Miranda, nakatanggap sila ng impormasyon madalas nakikita ang akusado sa Brgy. 24 na naging dahilan upang magdispatch siya ng kanyang mga tauhan sa nasabing lugar upang magsagawa ng monitoring at surveillance operation.
Nang positibo ang report, agad nagsagawa ng planned intelligence driven operation ang pinagsamang mga operatiba ng DSUO sa pangunguna ni PLt Armando Ibis Pandeagua Jr, DID-NPD, sa pangunguna ni PLt Col. Renante Pinuela, DIDMD-NPD sa pangunguna ni PCPT Melito Pabon, Intelligence Section ng Caloocan police sa pangunguna ni P/Col. Ruben Lacuesta, NDIT- RIU NCR at RID, PRO8 na nagresulta sa pagkakadakip kay Lumayno sa Mithi St., Brgy 24, bandang alas-10:00 ng umaga.
Si Lumayno ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) 8TH Judicial Region, Branch 14, Baybay City, Leyte noong January 10, 2023, para sa paglabag sa Art. 266-A(I), RPC, as amended by R.A. 8353 (RAPE) at paglabag sa 5(B) of RA 7610 (Child Prostitution and Other Sexual Abuse).
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON