ARESTADO ang isang lalaki na wanted sa kaso ng statutory rape sa isinagawang manhunt operation sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.
Sa ulat ni Caloocan police chief P/Col. Paul Jady Doles kay NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap sila ng impormasyon na naispatan sa Brgy. 179 ang presensya ng 23-anyos na akusado na nasa top 7 most wanted person ng lungsod.
Agad inatasan ni Col. Doles ang Warrant and Subpoena Section (WSS) na bumuo ng team para sa isasagawang pagtugis sa akusado.
Kasama ang mga tauhan ng Station Intelligence Section at Police Sub-Station 15, agad ikinasa ng WSS ang joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-12:10 ng hating gabi sa Catmon St., Brgy., 179.
Ang akusado ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Raymundo G Vallega ng RTC Branch 130, Caloocan City noong July 3, 2024, para sa kasong statutory rape. Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng Caloocan police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA