Nadakip na ng mga awtoridad ang isang top 4 most wanted person ng Valenzuela City matapos matunton sa kanyang pinagtataguan sa Pangasinan makalipas ang 16-taong pagtatago.
Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, ang naarestong akusado na si Michael Reyes, 35 at residente ng Purok 4, Brgy. Nibaliw, Mangaldan Pangasinan.
Ayon kay Col. Haveria, nakatanggap ang mga operatiba ng Valenzuela Police Warrant and Subpoena Section (WSS) ng impormasyon mula sa isang impormante hinggil sa pinagtataguan ng akusado sa Pangasinan.
Bumuo ng team ang WSS sa pamumuno ni PLT Robin Santos at Valenzuela Police Sub-Station 6 sa pangunguna ni PLT Armando Delima, kasama si PSMS Roberto Santillan sa ilalim ng matatag na pamumuno ni Col. Haveria.
Kaagad ikinasa ng mga tauhan ng WSS at SS-6 ang joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay Reyes dakong alas-5:20 ng hapon sa kahabaan ng Rizal Street, Brgy. Poblacion, Mangaldan, Pangasinan.
Ani PLT Santos, si Reyes ay inaresto sa bisa ng isang warrant of arrest na inisyu noong July 24, 2006 ni Hon. Nancy Rivas-Palmores, presiding Judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 172, Valenzuela City para sa kasong Rape at walang i-nirekomendang piyansa.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA