HIMAS-REHAS ang isang mister na wanted sa kaso ng panggagahasa matapos masakote ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan na nakatanggap ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) na naispatan sa Brgy. Longosd ang presensya ng akusadong si alyas Gerardo, 53, residente ng Navotas City.
Agad inatasan ni Col. Baybayan ang WSS na bumuo ng team para sa gagawing pagtugis sa akusado na nasa top 4 most wanted person ng Lungsod ng Malabon.
Kasama ang mga tauhan ng Maritime Group at 3rd Special Operation Unit, agad nagsagawa ang WSS ng joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-3:00 ng hapon sa Pampano St.,, Brgy., Longos.
Ayon kay Col. Baybayan, binitbit ng kanyang mga tauhan ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Catherine Therese Tagle-Salvador ng Regional Trial Court Branch 73, Malabon City, noong May 19, 2021, para sa kasong Rape.
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng Malabon City Police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman para sa paglilipat sa kanya sa City Jail.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA