January 11, 2025

Top 3 PDID, kasabwat arestado sa drug ops sa Valenzuela

ARESTADO ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela City Police sina Bravery De Juan alyas “Ching”, 27, top 3 PDID, station level at Jerdean Merluza alyas “Dindin”, 20, sa buy bust operation sa Santolan Service Road, Brgy Gen T. De Leon, Valenzuela City. Nakumpiska sa kanila ang humig’t kumulang 5 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P34,000, nasa 250 grams ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana with fruiting tops na nasa P30,000 ang halaga, buy bust money, P100 seized money, 2 cellphones, eco bag at coin purse. (RIC ROLDAN)

SWAK sa kulungan ang dalawang hinihinalang tulak ng illegal na droga, kabilang ang isang top 3 Priority Database on Illegal Drugs (PDID) matapos matimbog ng pulisya sa buy bust operation sa Valenzuela City.

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr ang naarestong mga suspek bilang sina Bravery De Juan alyas “Ching”, 27, top 3 PDID, station level at Jerdean Merluza alyas “Dindin”, 20, kapwa residente ng lungsod.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Col. Destura na dakong alas-6 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Joel Madregalejo ng buy bust operation sa Santolan Service Road, Brgy Gen T. De Leon.

Agad dinamba ng mga operatiba ang mga suspek matapos bintahan ng P300 halaga ng umano’y shabu ang isang undercover police na nagsilbi bilang poseur-buyer.

Ani PCpl Pamela Joy Catalla, nakumpiska sa mga suspek ang apat pirasong heat sealed transparent plastic sachets, kabilang ang (object of sale) na naglalaman lahat ng humig’t kumulang 5 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P34,000, isang large self sealing transparent plastic bag na naglalaman ng nasa 250 grams ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana with fruiting tops na nasa P30,000 ang halaga, buy bust money, P100 seized money, 2 cellphones, eco bag at coin purse.

Nahaharap ang mga susek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.