January 14, 2025

Top 20 business and realty taxpayers sa Navotas, pinarangalan

BINIGYAN ng parangal ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna nina Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco ang Top 20 Business and Realty Tapayers bilang pasasalamat sa kanilang kontribusyon sa pag-unlad ng lungsod na bahagi ng pagdiriwangng ika-119th anibersaryo ng pagkakatatag ng Navotas City. (JUVY LUCERO)

KINILALA ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang Top 20 Business and Realty Tapayers bilang pasasalamat sa kanilang kontribusyon sa pag-unlad ng lungsod bilang bahagi ng pagdiriwangng ika-119th anibersaryo ng pagkakatatag ng Navotas City.

Pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco, kasama si Vice Mayor Tito Sanchez at mga konsehal ng lungsod ang isinagawang Awarding ng plaque of recognation sa top 20 business and realty taxpayers na ginanap sa Manila Hotel.

Kabilang sa top 20 real property taxpayers na pinarangalan, ang Therma Mobile, Inc., Worldsummit Holdings Corp./Deity Construction Company, Petron Corporation, Frabelle Fishing Corp., Icy Point Cold Storage, Columbia International Food Products, Inc., RBL Fishing Corp., Nautilus Shipyard and Repair Inc., La Paz Ngo (Young’s Town Sardines & Corned Beef), Melcon Dev. Corp., Asian Slipway Corporation, VVS Cold Storage & Processing Corp., Primetown Realty Dev. and Leasing Corp., Manila Electric Company, TP. Marcelo & Co., Inc., Fishport Ice Plant, Inc., Crystal Cold Chain Corp., Solid Shipping Lines, Kai-Anya Foods Corp. at Happy Chef Inc.

Samantala, ang top 20 business taxpayers naman na pinarangalan ay ang Ravago Equipment Rentals, Inc., Marra Builders Inc., Philippine Super Feed Corporation, Icy Point Cold Storage and Processing Corp., Therma Mobile Inc., Phil. Ecology Systems Corp., Frabelle Shipyard and Marine Services Corporation, Linton Incorporated, Frabelle Corporation, Columbia International Food Products, Inc., Trans Pacific Journey Fishing Corp., Josefa Slipways Inc., Ferna Corporation, Special Container and Value Added Services, Inc., Fast Logistic Corp., VVS Cold Storage & Processing Corp., Titan Transnational Corporation, Purechem Corporation, South Seas Cargo Forwarders, Inc. Co. at Meat World International, Inc.

Pinasalamatan naman ng Tiangco brothers ang mga taxpayers, mga opisyal, mga residente ng lungsod, department of heads, pribadong organisasyon, at sector ng negosyo dahil sa kanilang walang-humpay na suporta sa pamahalaan at sa kanilang ambag sa patuloy na pagtaas ng antas ng pamumuhay sa Navotas. “Maraming salamat sa inyong maagap at tamang pagbabayad ng buwis at sa inyong patuloy na suporta sa ating lungsod para sa NavLevelUp na pagbibigay ng serbisyo sa mga Navoteño” pahayag ni Mayor Tiangco.