SWAK sa selda ang isang lalaki na nakatala bilang top 10 most wanted person sa Northern Police Ditrict (NPD) matapos maaresto ng pulisya sa isinagawang manhunt operatin sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.
Ayon sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang Bagong Barrio Police Sub-Station 5 hinggil sa kinaroroonan ng akusadong si alyas “Vio”, 28, ng Pangako St., Bagong Barrio.
Alinsunod sa inilatag na agenda ng PNP Chief na “Aggressive and Honest Law Enforcement Operations”, agad nagsagawa ng joint manhunt operation kontra wanted persons ang mga tauhan ng SS5 na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-2:00 ng madaling araw sa kahabaan ng Malolos Avenue, Brgy. 146.
Ang akusado ay inaresto ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Ma. Rowena Violago Alejandra ng Regional Trial Court Branch 121, Caloocan City noong May 30, 2023 para sa kasong Frustrated Murder na inirekomendang piyansa na P200,000 at Murder na walang inirekomandang piyansa.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA