SWAK sa selda ang dalawang lalaki na listed bilang top 1 at 5 most wanted person ng Valenzuela City matapos madakma sa magkahiwalay na manhunt operation ng pulisya sa naturang lungsod at Pasay City.
Ayon kay Valenzuela police chief PLTCOL Aldrin Thompson, alas-9:45 ng umaga nang magsagawa ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo, PSMS Noe Salvidar, PMSg Joy Ortea, PSSg Roy Michael Gregorio, PSSg Jonathan Mansibang, PCpl Kolleen Primo, Pat Roland Buenaventura, PCMS Ruslie Jane Salas at PSMS Fidel Castro, kasama ang Court Patroller at SS4 TMRU ng joint manhunt operation sa CJ Santos St., Brgy. Malinta na nagresulta sa pagkakaaresto kay Jahnsen Ausana, 29 ng K.A.D. Serrano St., Brgy. Marulas.
Ani PLT Madregalejo, si Ausana na listed bilang top 5 most wanted sa lungsod ay inaresto nila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong March 28, 2022 ni Judge Ghia Chrystellyne Oliveros Hurtado-Juan ng Metropolitan Trial Court (MTC) Branch 108, Valenzuela City para sa kasong Attempted Homicide.
Nauna rito, nasakote din ng mga operatiba ng WSS ng Valenzuela police sa pangunguna ni PSSg Archie Castillano, PSSg Raul Quimbo, PSSg Jonathan Garcia, PSSg Junrey Singgit, PCpl Jeffrey Natural Jr., PCpl Julius Ceazar Tabarrejo, kasama ang 5th MFC, RMFB, NCRPO at mga tauhan ng Luzon Field Unit-Women and Children Protection Center sa joint manhunt operation si Darwin Salavedra alyas “Teng”, 43 ng 197 Pabilonia Compound, Brgy. Isla ng lungsod sa F.B Harrison St., Libertad, Pasay City alas12:25 ng hapon.
Nabatid kay PSSg Junrey Singgit, si Salavedra na listed bilang top 1 most wanted ng Valenzuela ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong March 28, 2022 ni Judge Mateo B. Altarejos ng Family Court Branch 16, Valenzuela City para sa kasong Statutory Rape at Rape at walang inirekomenda ang korte na piyansa sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) Director PBGEN Ulyssess Cruz ang Valenzuela police WSS dahil sa matagumpay na operation kontra sa mga wanted person sa lungsod.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA