September 20, 2024

TONY PARKER, NAKAPAG-RELEASED NG HIP HOP ALBUM

(TRIVIA): Kung ang isang basketball fan ay fan ng San Antonio Spurs, tiyak na kilala niya si Tony Parker. Si Parker ay William Anthony ‘Tony’ Parker Jr. sa totoong buhay.

Si Parker ay ipinanganak noong May 17 1982 sa Belgium. Ngunit lumaki sa France at 18 taon nang naglalaro sa NBA sapol nang mabingwit ng Spurs sa 2001 NBA Draft.  

Kung inaakala nating isa lamang siyang matikas at mahusay na basketball player, hindi rin nagpahuli si Parker sa pagreleased ng sariling album gaya ni Shaquille O’ Neil.

Katunayan, magaling siya sa rap at nakapaglabas ng French hip-hop album noong 2007 na may pamagat na ‘TP’. Kabilang sa mga kanta sa kanyang album ay ang Balance-tois, Premier Love, at Top of the Game.

Huling siyang naglaro sa Charlotte Hornets at tuluyang nagretiro. Pero, binigyan siya ng tribute ng Spurs.